Si John ang kumakatawan sa Distrito 11 ng San Francisco, nasasakupan nito ang kapitbahayan ng Outer Mission, Excelsior, at OMI. Isa siyang pangatlong henerasyon Mehikanong-Amerikano, anak ng isang estibidor ng ILWU, isang manedyer ng isang opisina, at isa sa pitong magkakapatid. Natamo ni John ang kanyang master’s degree sa social work mula sa San Francisco State University. Siya at ang kanyang asawa, si Karen Zapata, isang titser sa grade-four sa San Francisco Community School sa Excelsior, ay nagmamay-
ari ng bahay sa Excelsior. Ang kanilang mga anak na sina Rene at Emiliano ay pumapasok sa San Francisco Community School, isang eskwelahang pampubliko sa lokalidad.
Isa si John sa unang henerasyon ng kanilang pamilya na pumasok sa isang unibersidad, nagtapos ng may honor mula sa UC Santa Barbara. Lumipat siya sa San Francisco nuong 1989. Magmula nuon, inilaan niya ang kanyang sarili sa pagbibigay ng edukasyon, pag-oorganisa, pagpapayo at pagtatanggol sa mga karapatan ng katulad niyang San Fransiskano. Naging counselor siya ng San Francisco Conservation Corps at ng Columbia Park Boys and Girls Club. Nagturo siya ng high school equivalency at college prep classes, iniugnay niya ang ilang daang kabataang ng San Francisco sa mga trabaho, health care, at pabahay. Naglingkod rin siya bilang community organizer ng Coleman Advocates for Children and Youth, at bilang organisador ng Justice for Janitors Campaign ng Service Employees International Union (SEIU) Local 1877, na nagpanalo ang mga pasahod na pampamilya at abot-kayang health care para sa libo-libong miyembro ng unyon.
Nuong 2005, nagsimula si John magtrabaho sa City Hall, bilang isang legislative aide ni Supervisor Chris Daly. Sinikap niyang magkaroon ng boses ang mga taong binabale-wala, at ng sila ay mapakingggan ng madalas. Tumulong siya sa pagbubuo ng budget ng City bilang pangunahing staff sa Budget and Finance Committee, pinahusay ang daloy ng gobyerno, naghanap ng higit na mahusay na kakayahan sa paglilingkod, at pinalawak ang pondo para sa abot-kayang pabahay, childcare, health and mental services, park restorations, at mga programang pang-senior.
Nuong 2008, si John ay nahalal sa San Francisco Board of Supervisors bilang kinatawan ng Distrito 11. Sa kanyang unang dalawang taon sa Board of Supervisors, naglingkod si John bilang Chair ng isa sa pinaka-importanteng komite — ang Budget and Finance Committee. Nanguna siya sa pagsisikap ng City na tapusin ang isang bilyong dolyares kakulangan habang pinanatili ang mga trabaho sa City at serbisyo, pinanatili din ang mga mahahalagang serbisyo para sa mga senior at mga bata, at mapanatili ang mga mahahalagang programang pangkalusugan.
Ang legislative record ni John ay magaling at may kabuluhan. Siya ang nagsulat sa pinakamagaling na local hiring legislation sa buong bansa, nagbigay ng libu-libong oportunidad sa trabaho para sa mga residente ng San Francisco sa mga proyektong konstruksyon na pinopondohan ng City. Si John rin ang nag-sponsor na nagbibigay ng proteksyon para sa mga nangungupahan sa mga foreclosed properties at tulong sa pagbabayad ng renta sa mga pamilyang mababa ang kinikita na namimiligrong maging homeless. Siya rin ang nagpasimuno ng real estate transfer tax sa mga high-end commercial buildings, na nagtamo ng suporta sa buong siyudad mula sa mga botante at nagdulot ng $40 milyong na bagong nalikom na buwis sa taon lang ito.
Sa kanyang dalawa at kalahating taong panunungkulan sa Board of Supervisors, natamoat matingkad na nakilala si John bilang isang epektibong mababatas na may matibay na paninindigan, prinsipyo at pinapangalagahan, na may malakas na work ethic, mahusay sa pakikipagtulungan at may istilong nakakapagkaisa.


